Transcript


Transcript of interview with Sen. Manny Villar

27 February 2012

Q. On the bills heard by the Committee on Economic Affairs

 

Villar: Dalawang topic ang tinalakay ngayong umaga, lalong-lalo na itong pangalawa na tutulong sa mga maliliit na mangangalakal, iyong mga nagsisimulang magsarili. Malaking bagay iyan. Panahon na para mag-develop tayo ng micro-enterprises o iyung maliliit na negosyo. Sa tingin ko, iyan ang magpapalaki ng ating ekonomiya at tutulong sa paglutas ng ating kahirapan. Maganda ngayon dahil puro supportive ang mga ahensya ng gobyerno. Kaya lang syempre, nagkaroon ng konting diskusyon doon sa taxes. Normal ang diskusyon na iyon.

 

Q: Kailan nyo isa-submit ito for debate?


Villar: Tapos na halos ito, gagawa na ako ng committee report. Hindi na ako maghi-hearing dito uli. Sa tingin ko supisyente na ang narinig ko para gumawa ng committee report.

Q: Iyong tungkol sa jobs?

Villar:Iyong unemployment, talagang hindi ako makapaniwala na mas maganda pa ang ating employment kaysa America at Europa. Hindi naman kapani-paniwala iyon. Kaya sabi ko, medyo itama sana natin dahil nagiging misleading ang statistics natin. Kasi kapag sinabi mong 7 percent, mas maganda pa sa US at Europe na 8 percent, 10 percent. Nasa definition iyan, naiintindihan ko, pero syempre ang importante iyong figure na ginagamit natin parati. Kapag sinabi mong ano ba ang unemployment rate mo, kapag sinabi mong 7 percent syempre iyon na ang tatandaan ng mga tao at napakahirap paniwalaan naman. Kaya nawawalan tuloy ng credibility iyong figures na iyon.

Q. Ang view ng AMCHAM, very slow…

 

Villar: Syempre mas confident ang mga cabinet members natin, sila hindi masyado kaya doon sa ipinakitang consensus ng BSP, 3.8 lamang ang estimate ng mga private analysts. Iyong mga private analysts, that means mga bangko iyan.

Ang mga tao naman ay magalang pero iyung sistema kasi kung ikaw ang turista, matutuwa ka ba? Dapat tourist-friendly. Dapat pag-aralan kung ito ay tourist-friendly. Maliliit na bagay lang ito na pwedeng gawin para maalis tayo sa image na yan. Kasama rin ang corruption pero sa akin samasama yan. Marami tayong magagawa pa sa NAIA habang hinihintay natin ang long-term solution. Hindi pwede na wala muna tayong gagawin ngayon. Paano kung five years pa yan, five years pa na worst airport tayo. Sa tingin ko kayang gawing maganda ang airport na yan.

 

Q. 3.8 sa GDP?

 

Villar: GDP for 2012; 4.2 percent and ADB kaya sa tingin ko iyon na talaga ang tatakbuhin natin. But of course I can understand the optimism ng NEDA na 5 to 6 percent.

 

Q. Using the congressional oversight on the economy, how can you make sure that the economy will be robust in 2012?

 

Villar: Ang mababantayan mo lang ay iyong within the control of government, iyong fiscal spending natin. Talaga namang malaking problema ang naidulot sa atin noong nagkaroon tayo ng underspending noong 2011. Let us be sure now na this 2012, we will not be guilty of underspending. Marami pa tayong kailangan para maka-attract ng foreign investments.

 

Q. Sa mga nadinig ninyong testimonies, how is the Philippine economy?

 

Villar: Depende sa standard mo. As I mentioned kanina, depende kung ang tingin mo sa 4 percent masaya ka na. Kasi dapat mga 7 percent para masimulan nating ma-address and poverty.

 

Q. How do we go about it?

 

Villar: Political na ang comment na iyan kasi iyan ay pagma-manage ng ekonomiya.

 

Q. The industries earlier said there are things they should do to improve the business climate, what can be done in aid of legislation to expedite the growth of the economy in terms of making the business climate inviting?

 

Villar: Syempre ang pinakamagandang attraction ay mataas na GDP growth. Maraming titingnan pero ang kauna-unahang titingnan ay GDP growth kasi iyon ang parang score mo. Kung baga sa iskwelahan, ito ang average grade mo. Kapag mag-iinvest sila sa isang bayan, itatanong nila 'ano ba ang GDP growth niyan?' kapag sinabing 4 percent, ikukumpara niya sa Indonesia, 6.5 percent, syempre ang tendency nyan ay mag-invest sa Indonesia. Talagang kailangan nating pataasin iyon. Iyong mga iba, iyong mga abstracts like anti-corruption drive, efficiency, pwede rin iyan pero if we are talking about 2012, ang within the control of government lang ay ang spending. Iyong lang ang kaya nilang gawin sa ngayon.

 

Q. Iyong suggestion ng AMCHAM na mataas masyado ang electrivity rate natin, they suggest na government should subsidize?

 

Villar: Hindi kaya siguro. I will disagree with that. Naiintindihan ko ang reklamo nila pero I will point out din naman na low ang interest rates natin, kahit paano malaki na ang ibinaba ng interest rates natin so medyo nababalanse naman din iyong mataas na power. Mas maganda sana kung mababa ang power natin, mababa pa ang interest rate.

 

Q. Sabi ni Sen. Drilon maga-activate daw siya ng budgetary oversight to make sure that the government agencies really spend. Are you willing to participate?

 

Villar: Oo. Totoo iyon. Ang paggastos kasi malaking bahagi ng ekonomiya iyon. Iyan naman ay kayang gawin kasi may pera naman tayo. It's something within our control, hindi mahirap gawin. Gagastos ka lang.

 

Q. Sabi ng AMCHAM, masyadong maraming non-working holidays.

 

Villar: Totoo iyon napakaraming holiday. (end)