Transcript


Transcript of interview with Sen. Manny Villar

10 May 2012

Q. Assessment of the hearing

 

Villar: Itutuloy natin ang hearing sa Quality Affordable Medicines Law. Talagang napakahalaga ng batas na ito at nakikita natin na hindi ito naiimplement nang maayos. Magkakaroon pa tayo ng amendments sa batas na ito. Talagang napakahalaga nito sapagkat napakarami pa ring Filipino ang hindi maka-afford ng medisina at gamot kaya hindi natin pwedeng bitiwan ito hangga't hindi tayo nakakahanap ng rekomendasyon para maibaba talaga ang presyo ng gamot.

 

Q: Ano po iyong mga hindi nasusunod?


Villar: Unang-una, napakaraming ahensya ang involved, mga apat iyan. Nagkakagulo-gulo tuloy, nagkakaturu-turuan kung sino talaga ang responsable. May mga committee pa. Kaya ang isang suhestyon ay magkaroon ng isang ahensya, siya lamang ang mamamahala sa implementasyon ng batas na ito na walang turuan. Sa gayon alam na natin kung sino ang pupurihin natin o sisisihin kung hindi maimplementa nang maayos itong batas na ito. Ito ang Price Regulatory Agency, o kung ano mang ahensya na gagawin para maipatupad nang husto itong batas na ito. Napakahalaga nito sapagkat napakarami ang nagkakasakit ngayon. Napakarami ang hindi man lang makabili ng gamot kaya hindi natin dapat bitawan ito hangga't hindi natin nahahanap ang lunas dito sa problemang ito.

Q: That would require an amendment?

Villar: Palagay ko mangangailangan ito ng amendments at gagawa kami ng rekomendasyon. Bagamat hindi pa syempre tapos ang mga hearings, pero nakahanda na ako na gumawa ng rekomendasyon dito para magkaroon ng amendments sa batas na ito.

Q. Iyong pag-epand ng list ng mga gamot sa law, kailangan pa ng amendments?

 

Villar: Merong mga kailangang gawinna pwede na kahit walang amendments. Gaya ng pagpaparami ng coverage ng batas, pwede nang gawin ng Department of Health Secretary iyan. Hindi na kailangan ang batas. Subalit iyong pag-monitor kailangan i-simplify natin iyong ahensya, isa na lamang at maaring palawakin pa natin ang responsibilidad ng ahensyang ito.

 

Q. Under what agency?

 

Villar: Wala pa. Hindi pa natin alam kung anong departamento maa-under ito. Kung DOH naman, sila na nga ang mag-iimplement. Pwede ring Office of the President ito para higit na mamonitor at mabantayan itong implementasyon ng batas na ito.

 

Q. Iyong 30% ng mga drugstore, nago-over profit ba sila?

 

Villar: Iyong binanggit kanina na may 30% na tubo ang isang malaking kompanya ng gamot ay nagpapatunay lamang na merong mga depekto itong istruktura ng industriya. Kailangan tingnan din natin. May monopoly ba ito, meron ba itong oligopoly, ano ba ang mga practices dito bakit tumataas nang ganito ang mga presyo. Posible kasi at naoobserbahan ko ngayon na bagama't maraming kompanya ang involved sa gamot, bawat isang aspeto, isa o dalawa lamang ang namamayani. Nagtataka rin ako kung bakit ang DOH ay hindi masyadong nababantayan ito. Maaaring nalilingat si Sec. Ona subalit ito ay hindi pwedeng hindi intindihin. Talagang napakalaking bagay ito sa milyun-milyon nating kababayan na hindi talaga maka-afford ng gamot at dapat talaga bigyan ng pansin ng DOH ito. Hindi na kailangan amyendahan ang batas sa pagpapalawak ng coverage, kaya nang gawin ng DOH ito. Nanawagan kami sa DOH na iimplementa na ang pagpapalawak ng coverage ng batas nang sa ganon ay sa lalong madaling panahon ay maibaba ang presyo ng mga gamot.

 

Q. Magtetestify na po si CJ Corona sa impeachment court…

 

Villar: Syempre makakabuti dahil sa unang-una, desisyon ni Chief Justice iyan at ginagalang natin iyan. Iyan din naman ang gusto ng marami sa ating mga kasamahan dito sa Senado. Syempre kung ano ang mangyayari doon ay hindi natin nalalaman subalit at least, mas magiging kumpleto ang trial kung si Chief Justice ay dadating.

 

Q. Sabi ni Sen. Trillanes, hindi siya naniniwala na sasabihin niya ang lahat. Do you share the same opinion?

 

Villar: Hindi naman tayo pwedeng magsabi ng ganyan. Mahirap tayong humusga kung sasabihin ng isang tao o hindi ang lahat. Sa akin, syempre kailangan din nating bigyan din ng benefit of the doubt si Chief Justice. Tingnan natin kung ano talaga ang kanyang sasabihin kapag siya ay humarap dito.

 

Q. May pronouncement si Sec. Abad na ang LP at Nacionalista ay nag-uusap na raw?

 

Villar: Alam nyo kami kasi ay naniniwala sa Partido Nacionalista na napakaaga pa at dahil dito ay para kaming napipilit na magsimula nang maaga sa pulitika sa partido. Ito ay napagkaisahan naman naming, kami ay nakahanda na makipag-usap sa lahat ng partido, LP at sa iba pa. Nakahanda rin kami na mag-isa. Kaya naman ng NP na magsarili. Pero lahat ng option ay aming pinu-pursue sa ngayon. Matagal pa naman ang eleksyon at hindi naman kami nagmamadali sa NP kung ano ang aming magiging final na desisyon.

 

Q. Sir, iyong wife nyo po ay nasa slate ng ng UNA…

 

Villar: Si Cynthia, ang aking asawa ay miyembro ng NP at tatakbo siya sa NP.

 

Q. On Scarborough Shoal

 

Villar: Atin ang Scarborough Shoal. Hindi naman natin dapat pabayaan iyan. Hindi naman tayo nakikipag-away. Dapat suportahan natin ang pangulo natin dito. Pero ang sa akin, siguro mas maganda ngayon na tumahimik na muna tayong lahat. Palagay ko matitigil din ito kapag wala nang magko-comment sa issue na ito, sa Tsina at sa atin.

 

Q. Hindi ba pag-urong iyon?

 

Villar: Hindi pagkaduwag iyong hindi ka magko-comment sapagkat hindi mo naman sinasabi kung ano ang gagawin mo. Kaya lamang para mag-die down na iyong init kailangan na lang na tahimik muna tayo. Ito ay talagang sa diplomasya lang natin mareresolba.

 

Q. To think na malaki ang ineexport natin sa China…

 

Villar: Hindi na kailangang palalain ang away sa China. Tumahimik na lang muna tayo. Pero maliwanag naman na atin iyang Scarborough.

 

Q. Kailangan ng modernization ng AFP?

 

Villar: Hindi naman para dito lang. Talaga namang ang ating Armed Forces ay dapat magpalakas, mamili ng gamit. Pero hindi dahil makikipagyera tayo o hindi dahil sa Scarborough. Talagang normal iyon at dapat naman talaga ang isang bansa ay magpalakas ng kanyang sandatahang lakas. Pero sa resolution nito, syempre diplomatic ang magiging approach dapat diyan. Makakabuti na lahat muna tayo ay tatahimik sa isyu na ito at harapin na lang muna natin iyong mga issue na mas mahalaga kagaya ng ekonomiya natin. Doon na lang muna tayo. Tutal naman sa China, spokesman na lang ang nagsasalita so huwag na lang nating sagutin. (end)