Transcript


Transcript of interview with Sen. Manny Villar with Sen. Antonio Trillanes IV as Nacionalista Party member, Makati Shangri-La Hotel

8 July 2012

Q. Ano ba ang advantages ng pagsali n'yo sa Nacionalista Party:

 

Trillanes: Unang-una, before I answer that, nagpapasalamat ako sa leadership ng Nacionalista Party, headed by Sen. Manny Villar and Congw. Cynthia Villar for accepting me as a member of the Nacionalista Party. I would like to thank the leadership of the Nacionalista for welcoming me and for being here to witness this important milestone in my political career.


Villar: Sa panig naman ng Nacionalista Party, kami ay masaya na i-welcome sa amin si Sen. Trillanes. Ito ay malaking bagay sa Nacionalista Party at kami ay magkakatulungan sa paglutas ng mga problema at mga suliranin ng ating bayan. Masaya ang ating partido, ang Nacionalista Party, sa pagsama sa amin ni Sonny Trillanes.

 

Q: May mga initiatives ba ang UNA na makasama ang Nacionalista?


Villar: Meron naman pero mas advance na ang usapan natin sa Liberal Party at NPC at wino-work-out ang ilang detalye. Siguro sa mga darating na panahon ay magkakaroon ng formal announcement.

Q: May ginagawang koalisyon ang grupong ito na pantapat sa UNA?

Villar: Hindi naman namin matatawag na pantapat sa UNA dahil hindi naman namin alam ang plano ng UNA. Nakikita lang namin na marami kaming mga similar objectives sa Liberal Party at NPC. Matagal na rin naman kaming magkakaibigan ng ibang mga lider dyan kaya tinatanong naman namin ang iba sa aming mga kasamahan. Comfortable naman kami sa grupong ito, at syempre may mga inaayos pa diyan na ilang gusot, pero naniniwala naman kami na maaayos.

Q. In what ways makakatulong sa leadership ng Nacionalista si Sen. Trillanes?

 

Villar: Malaking bagay. Alam mo sa partido natin Nacionalista party, kami naman nakikipaglaban, ang pinaglalaban namin ay independence at ang nationalism. Nakita namin yung mga katangian na iyon kay Sen. Trillanes. Matagal nang magkasama ang Magdalo at ang Nacionalista. Marami kaming common na objectives at hindi naging mahirap ang aming intindihan kaya ngayon ay parang logical naman itong nangyari na pagsali sa amin ni Sen. Trillanes. Kapag binasa n'yo ang aming objectives at layunin sa bayan, makikita n'yo na very similar ang objectives ng dalawang grupo.

 

Q. Sa mga party members, paano tinatanggap ng partido ang pag-anib ni Sen. Trillanes sa Nacionalista?

 

B. Marcos: Malaking bagay ang pagsama ni Sen. Trillanes sa Nacionalista Party. Siya ay isang tao na subok na sa lahat. Ang kanyang tapang, paniniwala at paninindigan ay naipakita na niya at napatunayan na niya. Sa pagsasama namin na siya ay nakatrabaho bilang senador ay naging natural na natural ang pagsasama ng mga taga-Partido Nacionalista at ni Sen. Trillanes. Kaya ito'y susunod na hakbang lamang doon sa tuloy-tuloy naming pagta-trabaho. I think he is a good fit with the Nacionalista Party and we are of course very happy to have him with us.


A. Cayetano: Walang duda na blessing at asset si Sen. Trillanes. Maraming nagsasabi na ang pulitika is about pagiging pragmatic, pero nagiging home of the idealist ang Nacionalista so gusto naming mai-practice iyong aming idealism. Nakita namin iyong mga adhikain ng Liberal Party so kung gusto mong makatulong nang husto sa bansa, we have to strengthen our own party first and napakalaking asset ni Sen. Trillanes, not only because we have the same stand on many issues. I think with his joining the Nacionalista, we have become the biggest bloc ngayon sa Senate and together with some of our other allies. So sa partido lima na kami plus, may ilan tayong mga allies sa Senado. At least tatlo sila so one-third of the Senate na. This is a group that believes in certain principles, so we are hoping that yung mga pinaglaban namin noong 2010, 2007, yung impeachment ni Pres. Arroyo, etc. ay magkaroon ngayon ng hugis o magkaroon kami ng platform na ma-implement na ito kasi after all, lahat itong mga plataporma balewala ito unless ma-implement mo. Sonny will be a valuable addition in getting us to actually get the work done and we are hoping na madagdagan pa kami with this coalition in 2013.


P. Cayetano: Siguro masasabi ko na yung pagsama ni Sen. Sonny Trillanes sa grupong ito ay isang formalization lang ng matagal nang pagsasama sa loob ng Senado. I can speak personally that I have consulted him on many occasions, and I think that he also gained from me when we were discussing many issues. I think what is important is to have people who come from different backgrounds, with different experiences, kasi it strengthens the group as a whole, kasi nakikita po yung iba-ibang perspectives. So with open arms, we are very happy to have Sonny officially as a party member.


 

Q. Will the inclusion of Sen. Trillanes change the political landscape of Senate leadership ?

 

Villar: Hindi namin pinag-uusapan iyan. Ang pinag-uusapan lang namin ngayon ay ang layunin ng partido at kung papaano pa namin mas magagampanan iyong aming mga obligasyon at responsibilidad. Nandoon pa lamang kami sa usapan na iyon at hindi pa lumalabas doon.

 

Q. Reaction sa akusasyon ni dating Pang. Erap na sinusulot daw ng LP iyong mga kandidato?

 

Villar: Mahirap mag-react diyan. Siguro tanungin nyo na lang ang Liberal Party for their reaction anyway sila naman ang minemention na kumuha. Itong pagsama sa amin ni Sen. Trillanes ay iba naman.

A. Cayetano: Malaki naman ang respetuhan ng mga grupo. Siguro continuous talking lang with the different groups.


 

Q. Ano po ang opinyon nyo sa revival of chacha?

 

Villar: Wala naman kaming party stand diyan. Pag-uusapan pa namin iyan kung maging seryoso. Sa akin, hindi ko naman nakikita na masama ang chacha per se. Iyong timing lang ang pag-uusapan natin, kung iyan ay dapat bigyang prayoridad ngayon sa dami ng problema ng ating bansa. Pero malaking bagay kung ano ang opinyon ng ating mga kababayan. Kung magkakaroon ng clamor for chacha then we can push through with the idea, kung wala namang clamor, siguro iba na ang magiging prayoridad natin.

 

Q. May pronouncement si Sec. Abad na ang LP at Nacionalista ay nag-uusap na raw?

 

Villar: Alam nyo kami kasi ay naniniwala sa Partido Nacionalista na napakaaga pa at dahil dito ay para kaming napipilit na magsimula nang maaga sa pulitika sa partido. Ito ay napagkaisahan naman naming, kami ay nakahanda na makipag-usap sa lahat ng partido, LP at sa iba pa. Nakahanda rin kami na mag-isa. Kaya naman ng NP na magsarili. Pero lahat ng option ay aming pinu-pursue sa ngayon. Matagal pa naman ang eleksyon at hindi naman kami nagmamadali sa NP kung ano ang aming magiging final na desisyon.

 

Q. Reaction sa pinirmahan ni Pnoy na EO on mining?

 

Villar: Hindi ko pa nababasa iyon kaya hindi ako makaka-react kung di ko pa nakikita.


Trillanes: It's the same, hindi pa natin nare-review nang maayos.


P. Cayetano: It's not even made public, I thought it's going to be released tomorrow. Di naman kami privy sa diskusyon tungkol doon.


A. Cayetano: Ang pinaka-importante lang doon ay iyong balance. Kailangan maprotektahan yung environment. Kailangan iyong national patronage maipamamana natin sa next generation. On the other hand, we know that makakatulong sa ekonomiya ang mining. When we see the EO, if it really helps the country then it's a step forward. We will review and look at it but we are happy na ni-re-review ang lahat na ito.


 

Q. Sen. Trillanes, why take your oath here in Shangri-La, why not in Manila Penn?

 

All: (Laughing)


A. Cayetano: Ang Shangri-La ay paradise. We are hoping that Sen. Trillanes will find Shangri-La in Nacionalista Party. (end)