Transcript


Transcript of interview with Sen. Manny Villar (IPO bill bicam)

19 November 2012

Q. Ngayong pumasa na sa bicam ang amendment sa Intellectual Property Code, umaasa ba kayong mapipirmahan agad ito ng Malacanang?

 

Trillanes: Sa palagay ko naman walang kadahilanan para hindi pirmahan agad ito. Nag-gagather na kami ng signatures ngayon para sa lalong madaling panahon ay makakuha na kami ng approval sa Senado at sa malaking kapulungan. Siguro bago mag-adjourn ay aprubado na ito.

 

Q: Ano po ang mga partikular na probisyon na binago ninyo?


Villar: Mahalaga iyong para sa mga bulag. Gusto namin ay hindi sila covered ng copyright para pwedeng magamit lahat ang gusto nilang gamitin basta hindi para sa commercial use, exempted sila sa batas na ito. Mahalaga na mabigyan ng additional na protection ang mga visually-impaired na kababayan natin. Pangalawa itong proteksyon ng mga local artists. Iyong mga performances nila ay dapat protektado. Ngayon ay hindi pa ito protektado. Sa batas na ito ay mapoprotektahan sila as soon as makapirma tayo sa convention. Iyong isang probisyon ay nagpapalakas ng Intellectual Property Office. Gumagawa kami ng bagong bureau para sa copyright. Iyon ang tatlong probisyon. (end)