Transcript


Transcript of Interview in DZRH with Joe Taruc
With Sen. Manny Villar

3 March 2011

Q. Alam nyo Mr.senator marami ho tayong mga OFWs na nagtatanong kung ano daw ho ba ang sitwasyon, kulang daw po ba o hindi ang pondo ng ang ating gobyerno sa pagliligtas ng ating mga kababayan diyan sa Libya?

 

Villar: Para sa akin maraming bagay ang nakikita kong problema. Unang-una, nakita ko talaga na hindi tayo handa sa mga ganitong pagkakataon bagamat alam natin na posibleng mangyari ito dahil sa nangyari  na nga sa Tunisia, sa Egypt pagkatapos  sa Libya. Ito nga yung sinasabi ko noon na dapat magkaroon ng isang department of housing. Kasi kailangan meron talagang isang departamento na walang iniisip kungdi kapakanan lamang ng OFWs. Ang nangyari kasi itong ating budget sa Assistance to Nationals na ginagagamit ng DFA para pondohan ang mga ganitong klaseng operations o yung pagpapauwi  ng mga kababayan natin mula sa ibang bansa ay kinaltasan pa ng budget at nangalahati mula 156 ay naging 78Million na  lamang. Ako’y nalulungkot sa pagbawas na iyan at nakikita ko na yung mismong unang 156 Million ay kulang pa kaya ngayon ay napakarami tayong mga kababayan na hindi makauwi hindi lamang dito sa mga lugar ng gulo na ito kungdi tulad halimbawa nung sa Saudi Arabia, may isang tulay dun, yung Khandara bridge, mga 7,000 na mga kababayan natin ang nandoon at yung mga gustong umuwi ay hindi makauwi dahil sa walang pamasahe at naghihintay pa ng pagkakataon. Nakikita ko ngayon na itong nangyari sa Libya ay nakikita natin ang kawalang preparasyon ng ating pamahalaan sa ganitong klaseng problema at ngayon nga hindi lang Libya ang may ganitong klaseng problema marami pang bansa ang posibleng sumunod gaya na lamang halimbawa na baka mangyari ito sa Saudi Arabia, bagamat wala pa naman. Pero kapag sa Saudi Arabia nagkaroon ng ganyang problema, natatakot ako diyan dahil 1.4Million ang ating mga kababayan doon.

 

Q: Ang medyo nakakabahala ho Mr.Senator ay yung panawagan ng United Nations na ilikas na yung mga ibang nationalities sa Libya sapagkat nangangamba sila na sumiklab ang malaking kaguluhan sa naturang bansa.


Villar: Dapat matagal na nating ginawa yan, may kabagalan ang ating pamahalaan at in fact marami akong natatanggap na tawag ngayon sa ating helpline na kanya-kanya sila roon ngayon parang naiwanan sila mag isa na halos walang tulong  sa pamahalan. Bagamat merong natutulungan ang pamahalaan natin,masyadong maliit na porsyento at medyo huli na, marami sa atin na noong mga unang araw ng kaguluhan ay talagang hindi nila makita at ngayon ay marami nang nag-alisan ng wala man lang tulong mula sa ating pamahalaan.

Q: Nung isang araw po ay mukhang nakasama ninyo yung labing-walong OFWs at apat ang bata na nakabalik dito sa ating bansa matapos ang matagal na panahong paninirahan sa ilalim ng tulay diyan sa Al-Khandara Bridge sa Jeddah,Saudi Arabia, ano po bang mga tulong ang naibigay sa naturang mga tao?

Villar: May mga naibigay tayo doon, kaunting pabaon pauwi sa kanilang mga lalawigan at pamasahe papunta rito at pauwi sa Mindanao, mga taga-Cotabato kasi sila. Alam mo Joe, patuloy naman yan, matagal ko nang ginagawa iyan ilang dekada na at nung pagkatapos nga ng eleksyon ay lalo ko pang pinalaki yung aming pagtulong sa mga OFWs at iyan ang aking ginagawa ngayon,yung aking Villar Foundation patuloy ang pagtulong diyan, kaya ako'y nalungkot nung nabawasan ang budget diyan sapagkat nalalaman ko at nakikita ko yung laki ng dapat pang gawin ng ating pamahalaan sa mga OFWs, unang-una na nga yung pagpondo sa pag-uwi nung mga kababayan nating gustong umuwi.