Transcript


Transcript of interview with Sen. Manny Villar

7 March 2011

Q. On  LRT/MRT fare hike.

 

Villar: Government naman ang may ari ng MRT sa ngayon at hindi dapat sumabay ang government sa mga price increases. Syempre kailangan din mag adjust ng konti pero hindi muna ngayon. Kaya hinihingan ko ng paliwanag ang LRTA at MRT 3 bakit sila kailangan magtaas ngayon, na tumataas lahat ng kuryente, tubig yung mga toll rates sa mga toll road, nagtataasan lahat, bakit tayo sasabay?

 

Q: On privatization of MRT, LRT


Villar: To be fair, hindi ko sinasabi na ayoko sa privatization. Ang sinasabi ko lang gusto ko lang maliwanagan. In fact ang concern ko dito sa committee ay yung price increases. Sa privatization, gusto ko lang masiguro na hindi mangangahulugan yan ng fare increases.

Hindi ko kasi alam kung sino mga kumpanya na involved dito. Right now tinatanong nga namin, hindi naman masabi sa amin kung sino yung mga kumpanya na involved.
Sa ngayon hindi alam ng mga gov¢t. agencies natin na kung sino na ang may ari at sino nagbenta kanino, kaya tinatanong namin.

Importante malaman, ang concern ko is fare increases. Kasi baka mai-privatize ito ng basta basta at hindi natin mapigilan ang fare increases. Sa ngayon kasi pag-aari ng government yan. So pag ayaw ng government na magtaas ng fare, pwede, pero pagprivatize mo na iyan, hindi mo na kontrolado.

Q: On last phase of evacuating Filipinos

Villar: Sa akin nandyan na yan. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay magkaroon ng grupo talaga na assigned dito sa mga bagay na ito at masiguro natin ang pondo ay nakahanda dahil sa marami pang bansa sa Middle East sa ngayon ang mayroong ganyang problema at maaring magtuloy sa problema kagaya ng sa Libya. Halimbawa sa Saudi Arabia mahigit 1 million ang kababayan natin dyan. Malaking problema kapag iyan ay nahawa. Sa akin maliwanag na kailangan nakatatag na iyung ating mga units na gagalaw kung saka sakaling meron pang mangyayari na kamukha ng Libya . Yung mga lessons natin sa Tunisia , Libya , Egypt ay dapat magamit natin sa susunod na bansa kung magkakaron pa ng ganyang problema.