Transcript


Transcript of interview with Sen. Manny Villar

15 March 2011

Q. On the SC decision na moot and academic na daw?

 

Villar: Kaya nga. Sana magandang balita pero nakakalungkot dahil tapos na. So lahat ng proceedings na ginawa noon ay walang saysay dahil based on the rules hindi acceptable kamukha ng sinasabi namin. Kaya lang nag decide ang SC, too late na. Nasira na yung pangalan ko.

 

Q: Nagkaroon lang ng pulitika?


Villar: Pulitika naman talaga yan. Kaya nakakalungkot. Yan yung sinasabi namin noon. Iyong rules, hindi pwede. Kaya lang tinuloy din nila. Ngayon moot and academic na dahil that's part of the 14th Congress, 15th Congress na ngayon. Wala na,

Q: Ano ang lesson learned dito?

Villar: Sana dahan-dahan tayo lalong lalo na kapag nakataya ang pangalan ng isang tao.

Q. Vindication ba ito?

 

Villar: Sa akin I feel good dahil unang una, maliwanag na ang proceedings noon walang basis, walang silbi dahil walang rules. Hindi acceptable ang rules as per SC. Which is what we've been saying noon pa.

 

Q. Considered archive na ang kaso…

 

Villar: Kasi ang Congress pag tapos ng isang Congress, sarado na lahat.

 

Q. Hindi na pwedeng buhayin iyon?

 

Villar: Wala na. Kaya masayang malungkot ako. Masaya ako na tama kami. Hindi ba ini issue-han ako bakit hindi ako nagparticipate. Ang sabi namin ang rules mali. At tama kami, mali nga sila sabi ng SC.

 

Q. Sham proceedings lang?

 

Villar: Hindi naman. I'm sure ginagawa lang naman ng mga iba, I'm not taking it against anybody, even kay Sen. Enrile dahil ginagawa niya yung trabaho nya. Kaya nga lang, kita mo yung political atmosphere noong panahon na yun dahil tumatakbo akong president. Mainit na mainit. Hindi na hinintay yung SC, sana hindi na nangyari yun.

 

Q. On the skyrocketing prices of oil, ano ba pwede gawin ng economic team?

 

Villar: Kailangan lang tingnan natin muna. Kasi ang nangyayari ngayon, dahil lahat sasabihin dapat naman tumaas talaga wala tayong magagawa. Hindi naman natin masasabi iyon dahil maaring sinasamantala ito. Maaring tataas pero hindi ganyan kataas.


Kaya hindi ako naniniwala doon sa walang magagawa, na sasabihin na tumataas ang presyo ng langis therefore tanggapin nyo na lang. tatanggapin namin ang increase, ang hindi namin matanggap, ganyan ba talaga kalaki ang increase.

 

Q. Rerebyuhin ninyo?

 

Villar: Rerebyuhin namin. Ang problema lang, mas maganda sana kung ang ginagawa namin ay suportado ng executive department din para dalawa, sana mas matindi. Kasi kami naman sa senado, legislative lang. We can only investigate. But if we are ignored, wala rin masyadong magagawa. Pero ngayon dapat tulong tulong lahat, executive, legislative para maibaba yung mga presyo.

 

Q. Sapat ba ginagawa ng DOE?

 

Villar: Mataas pa rin ang presyo kaya hindi sapat.

 

Q. On Sen. Guingona's report

 

Villar: I don't want to comment against any senator. Ang sinasabi ko lang, mahirap din talaga na may conclusion ka before the impeachment trial. Conclusion na yun. Kaya ako pumirma pero nag qualify ako kasi baka ma pwersa kami na mapa-inhibit dahil may conclusion ka na before the trial.

 

Q. Naging SP ka rin before, yung ganun na kasama mo, nag report sa President kahit hindi pa naman na take up dito…

 

Villar: Pulitika iyan.