Transcript


Transcript of interview in DZRH with Ruth Abao and Deo Macalma

15 July 2011

Q. Di magtatagal ha at malapit na.Pabatiin muna natin si Sen. Villar. Sen. Villar sir medyo tahimik kayo ng mga bandang huli,kumusta na po kayo sir? Ano ang ginagawa ng Manny Villar ngaun?

 

Villar: Marami tayong ginagawa ngayon. Unang una babatiin ko muna ang ating mga kababayan at sa DZRH. Madami tayong ginagawa ngayon bagamat low profile tayo. Marami tayong ginagawa sa Villar Foundation at si Cynthia, si misis ay aktibong aktibo ditto. Pinalawak kasi naming ang ginagawa ng Villar Foundation ngayon at marami kaming pinupuntahan na direksyon di lamang yung poverty reduction o pagbawas sa kahirapan. Iyung mga livelihood, iyung pagtulong sa mga OFW tuloy pa yan. Gumagawa din kami ng mga simbahan at personal kong sinusupervise ang construction. 12 ang ginagawa namin ngayon.

 

Q: Talaga. At umaabot na din sila sa Mindanao, pati mga water lily dun pinakikialaman na.


Villar: Pero personal naman namin ito at di galing sa PCSO.

Q: Sen. Villar sir, anong committee ba ang hawak n'yo ngayon? Di ba kayo kasama sa SBI? Senate bureau of investigation?

Villar: Di ako sumasama diyan kasi ako ay tahimik lamang na nagtatrabaho. Dito ako sa Trade and Industry. Tinitignan ko itong mga fare increases dahil talagang sunod-sunod naman at sa tahimik na paraan ay iniimbestigahan ko kung bakit nagtatataas iyang sa LRT,yung mga fares natin, kung reasonable ang kanilang hinihingi. At syempre dun sa mga botcha, o double dead meat,yan ang pinagtutuunan natin ng pansin ngayon. Sa mga seryosong bagay, yung Anti-trust bill, para yung mga cartel natin, parang walang nagbabantay sa kanila. Pataas nang pataas ang mga presyo dahilan sa madami tayong cartel kaya tinutulak natin yang anti-trust na bill.

Q. Alam nyo Sen. Villar tamang tama kasi we we're talking about Raul Concepcion and how he was very active and unfortunately ngayon yung mama matanda na, mahina na,sino ang magpapalit nung role ni Raul Concepcion. Maybe,dahil kayo kung di ako nagkakamali pagod na kayo eh, diba.

 

Villar: Hindi naman. Ako ay lalong ginaganahan dyan sa bagay na yan.

 

Q. Bakit in the future.

 

Villar: Pwede naman. Ako naman ay talagang para sa mga consumer naman at mga kababayan natin. Alam mo noong matapos naman ang halalan ay di naman nawawala ang hangarin natin na mawala ang kahirapan . Kahit na di tayo pinalad ay tuloy tuloy naman yan. Bagamat di opisyal, yan naman talaga ang ginagawa ko ngayon. Nagbabantay din ako sa mga presyo. Mukhang napapasarap itong ating mga businessman sa pagtataas ng presyo, walang pumipigil kaya nirereview natin yang kanilang mga karapatan na gawing yung ganyan kalalaking increases sa kuryente, tubig at pamasahe.

 

Q. Bilang isang negosyante Sen. Villar ito alam nyo eh kasi negosyante kayo alam nyo na kailngang kumita ng mga ito and yet kailangang itemper yun sa publiko naman, kaya walang nasa magandang posisyon to check it out kundi kayo di ba.

 

Villar: Alam mo totoo yan,nakikita ko yan,galing ako dyan. Kitang kita mo naman talaga na may mga grupo na nang aabuso.

 

Q. Di kayo mapapaikutan.

 

Villar: Hindi nga, alam na alam natin yan. Sabi ko nga mahirap mapalusot ito sakin kasi alam na alam ko na. Kaya ako ay nababahala din at sa aking tahimik na pamamaraaan ay talagang umiikot ako sa Pilipinas ngayon at ginagampanan natin yang tungkulin na yan. Sa mga panukala naman tayo ay isa sa 3 na may pinakamaraming panukala nai-file sa Senado at marami dyan ay naipapasa.Tahimik nating itinutulak yang mga panukala na yan. Di na ako sumasama sa mga imbestigasyon dahil marami ng mga senador na busy dyan.

 

Q. Paano yung imbestigasyon kay Sen. Lacson, hindi na itutuloy yun?

 

Villar: Kasi alam mo ako ay hindi na sumasama sa mga imbestigasyon kasi pagkatapos ng election sabi ko sa sarili ko tahimik na muna. Mas marami akong ginagawa ngayon,mas masigla nga lamang ngayon kasi wala nang stress at wala ng mag batuhan-batuhan sa pulitika.

 

Q. Saka di yung di benggatibo.

 

Villar: Ayoko ng benggansya. Unang una maski sa bibliya wala yan, ayaw nila yan.

 

Q. Pero senator,Isang isyu pa yung Spratly issue,alam ko mainit din tong topic na to para sa inyo eh.

 

Villar: Alam mo sa Spratlys, noon pa ako ay nagsasabi na na masyado kasi tayong sunod-sunuran sa China at meron tayong sa akin ay tinatawag nating foreign policy of fear na lahat ng bansa ay ating kinakatakutan at di natin pinaglalaban ang ating mga karapatan. Noon pa man dapat kasi kahit papano meron naman tayong mga modernization ng AFP. Noong araw di natin pinapansin. Pag nagkakaroon ng ganitong problema parang nagmumukha tayong kawawa. Di naman tayo dapat magmukhang kawawa sa mga ganyan, subalit sa ngayon wala tyong magagawa kundi sa isang mahinusay na pamamaraan subalit firm dapat, matibay dapat. Di tayo nakikipag-away subalit di tayo dapat pumayag na mawala sa atin yang mga isla na yan. Tuloy tuloy lang ang mga ginagawa natin,wag tayng matatakot dyan. Ang China naman, sa history ng China ay di naman nananakpp yan. Ang Japan, ang Amerika ang nananakop, pati ang Spain. Pero ang China hindi kasi siguro sa laki na nila, malaki na din ang problema nila.

 

Q. Saka ang China kasi mga merchants kasi sila eh,mga negosyante talaga sila.

 

Villar: Iyan ang talagang puno't dulo nyan,. Ang mga iba dyan ay side issues lamang subalit talagang meron ding mga pinag-aawayang mga langis dyan. Sa atin naman gusto lang nating bantayan na kung saka-sakali na idedevelop natin ang ating yaman dyan ay baka naman ilang tao lang ang makinabang dyan o mga dayuhan. Siguraduhin naman natin na tayo ang makikinabang dyan at yung mga kababayan nating maliliit ang makikinabang dyan.

 

Q. Sen. Villar yang anti-trust,kasi parang ganito eh. May pinagdaanan na tyo na isang pamilya na sabihin na natin na namuno sa di iisang industriya, pero kung ikaw ay nasa power,nasa construction,n asa tubig, nasa media, ospital,n asa iyo na ang lahat, diba unfair naman yun.

 

Villar: Alam mo medyo seryoso yang tanong na yan kaya nga itong anti trust ngayon sapagkat nung binuksan natin ang ekonomiya ang intension nun ay para dumami. Medyo sumobra naman ang bilis nun at namatay ang madaming kumpanya. Pero ngayon yung konting natitira ay mukhang umiiba pa tayo ng direksyon dahil para ngayong pakonti dahil nagbibilihan. Pakonti na, bumabalik yata tayo sa era ng monopoly na naman at oligopoly. Ang bangko natin ngaun halos 6 na lang na malalaking pamilya ang nasa banko. Sa telecom, dalawa na lang at yung isa ay sisenta porsyento, medyo tila umaatras .Kaya ako ay nababahala din. Sa mga dayuhan, merong mga di natin dapat binibigay sa mga dayuhan. Halimbawa sa tubig, yung sa power, yung mga dam natin. Iyung control ng ating power at tubig ay di naman dapat ibigay sa dayuhan yan sapagkat national security interest yan. Wag tayong masyadong maging excited … medyo mahimasmasan naman tayo baka tayo ay magising na ang ating tubig at power ay nasa dayuhan. Kaya ayoko yung pati dam ay pinagkakainteresang ibenta. Wag naman yan.

 

Q. Kumusta na po sir ang Nacionalista Party? Kasi ngayong Aquino administration ang mga taga Lakas ay LP na although sinasabi na Lakas pa din daw.

 

Villar: Nakakatuwa dahil sa ang Nacionalista Party ay lalong lumalakas dahilan sa nagiging close kami sa isa't isa at ah marami pa din kami. May 200 mayor pa yan, mahigit na 30 congressman, 10 governor. Actually kami naman ay regular na nagkikita, tahimik lamang kami, tuloy ang mga trabaho namin subalit syempre kami ay isang political party naghahanda din kmi para sa mga darating na halalan, naghahanda kami yung mga adhikain namin kung papaano itutuloy. Parang tahimik ang NP pero yan ay aktibong aktibo ngayon. Meron din kaming mga training program sa mga COS ng mga congressman, mga kaibigan namin para maging handa sila, maintindihan nila ang mga budget. Tuloy yan para maihanda din namin ang aming mga miyembro at mga kaibigan sa mga trabaho nila sa lehislatura.

 

Q. So hind po mawawala ang Nacionalista Party sa 2016?

 

Villar: Hindi naman. Hindi na mawawala yan. Masasabi ko lang naman nung bago magsimula ang election ng 2010 ay walang elected official ang NP pero nabuo namin ito at di na mawawala yan. Ang partido ay palakas nang palakas at syempre tumitingin din kami sa 2016. Syempre ang partido ay sigurado na maglalagay ng kandidato dyan.

 

Q. Sen. Villar maraming-maraming salamat po for dropping by.