Let us be reminded by the saying:
" Give and it shall return to you a hundred folds."
Read more
6 September 2011
Q. On MRT/LRT increase?
Villar: Hindi ako naniniwala na dapat magkaroon tayo ng increases sa ngayon.
Q: The fact na ang subsidy ay nasa 2012 budget.
Q. Iyong Wikileaks masyadong ini-scrutinize, dapat pa bang tingnan iyan?
Villar: Wala naman tayong magagawa diyan. Kanya-kanyang paniniwala naman iyan. Iyon ang opinion nila.
Q. As a businessman, pabor ka bas a isinusulong nilang 4-day work week?
Villar: Hindi na siguro pwede iyon. Baka hindi na makaya ng business sector at government. Tama na iyong iba.
Q. Gagawing ten hours a day ang working hours?
Villar: Pag-aralan muna nating mabuti ang epekto sa business sector at government sector. Tingnan natin ang karanasan ng ibang bansa. Hindi ko alam kung may ibang bansa na nag-adopt niyan at mahirap mauna. Siguro kung merong bansa na nag-adopt niyan tingnan natin kung naging successful sila o tinuloy nila.
Q. Sabi ni Paderanga, magkakaroon dawn g real GDP growth kung may hikes at magagamit yung subsidy sa ibang services.
Villar: Hindi kailangang ng hike sa ngayon. Maliwanag naman na sa panig ng pamahalaan, hindi pa naman kailangan this year. Ang problema nga ay kung paano gagastusin ng ating pamahalaan ang ating budget.