Transcript


Transcript of interview with Sen. Manny Villar

22 October 2011

Q. ON LIBYA(aftermath of Qadhaffi's death)

 

Villar: Isang bagay lang kapag tapos na ang giyera, syempre merong reconstruction iyan. Kapag may reconstruction ang isang bansa, marami silang kakailanganing workers, marami silang kakailanganing kababayan natin. But of course, we should still be careful dahil hindi pa naman agad matatapos iyan, meron pa ring kaunting gulo. Hintayin pa rin natin. Pero ang nakikita kong pangmatagalan pananaw dyan ay maganda dahil maraming langis ang Libya at marami silang kakailanganing Pinoy pagdating ng araw. Pero syempre tingnan pa rin natin dahil kakamatay lang ni Qadhaffi. Hindi natin alam kung gaganti ang mga loyalists ni Qadhaffi. Tingnan natin kung gaganti at kung tapos na, magkakaroon ng katahimikan. In the long run it's good for our countrymen. Magkakaroon ng reconstruction, magangailangan ng maraming Pinoy.

 

Q: On the effect of Qadhaffi's death on prices of oil.


Villar: Ang prices of oil hindi lang depende sa nangyayari sa Libya o sa isang bansa. Ang malaking influence diyan ay ang economic situation sa buong mundo. Kapag economy ng Amerika at Europe ay bumaba, ang presyo ng langis ay bababa din. Hindi lang kaguluhan sa Libya ang factor diyan kundi kasama na rin ang ekonomiya ng US at Europe.

Q: On plan to sell oil refinery of Petron

Villar: Sa akin, depende sa deal. Kung mahal ang pagkakabili, mahirap naman bilhin natin yun. Pero kung maganda ang presyo, pwede rin bilhin kasi maganda rin naman na may control tayo sa langis or presyo ng gasoline. Hindi ko naman itutulak ang government na bilhin yan. Pero kung mura lang at kikita ang gobyerno, bakit naman hindi.

Q. On proposal to privatize NAIA

 

Villar: Para sa akin, wala naman problema na gawin natin ang clark na airport. Wala rin problema na gumawa tayo ng paraan na ilipat ang airport pero kailangan iyan may riles or railway. Pero ang tanong sa airport natin ay ano ang gagawin natin ngayon. Kasi ang mga proposal na ganyan ay mga five years away pa yan kung sisimulan natin ngayon. Matagal pa yan. Meanwhile, we have the worst airport. Ang kailangan mo lang naman sa airport ay yung mga basic, like comfort room, malinis, magalang ang mga tao, mabango. Yun paglipat sa clark ay long term solution. That's a good proposal. Pero sa ngayon, ang hinahanap lang ng tao ay yung may tubig, mabango ang airport, malinis, magalang ang mga tao, nakauniform,maliwanag. Hindi naman kailangan na malaking pera ito. Kailangan lang nito ay magaling na management at makakaya natin yan habang hinihintay natin yun long-term solution plan. Pangit talaga ang airport natin. Harapin natin ang katotohanan na hindi natin pwedeng ipagmalaki ang airport ngayon. Minsan walang tubig, minsan medyo may amoy.

Ang mga tao naman ay magalang pero iyung sistema kasi kung ikaw ang turista, matutuwa ka ba? Dapat tourist-friendly. Dapat pag-aralan kung ito ay tourist-friendly. Maliliit na bagay lang ito na pwedeng gawin para maalis tayo sa image na yan. Kasama rin ang corruption pero sa akin samasama yan. Marami tayong magagawa pa sa NAIA habang hinihintay natin ang long-term solution. Hindi pwede na wala muna tayong gagawin ngayon. Paano kung five years pa yan, five years pa na worst airport tayo. Sa tingin ko kayang gawing maganda ang airport na yan.

 

Q. ON MEDICAL MISSION in Bulacan

 

Villar: Simula naman noong bagyo ay tuloy tuloy kami, hindi pa kami tumitigil. Kahapon nasa Apalit kami at tuloy ang pamimigay ng tulong. Yun ang ginagawa ko ngayon lalo na after the election ay talagang tulong tulong na lang. Full time na kami dito ng asawa ko. Parang ito na lang aming inaasikaso at tahimik na lang tayo sa Senado. Ito ngayon ang aking advocacy. Kung saan may problema yun tinutulungan namin.

 

Q. ON PEACE TALKS

 

Villar: Hindi dapat tayo magmadali sa paggawa ng conclusion dun. Hindi tayo dapat makipaggiyera agad pero hindi na dapat tuloy tuloy na parang babalewalain natin iyung nangyari. 19 soldiers ang namatay at hindi natin pwede balewalain yan. Kaya ang pinakaminimum na gawin ng ating pamahalaan ay pagaaralan nang mabuti ang puno't dulo nito bago tayo gumawa ng desisyon.